10 October 2013

Sinong Mas Adbans?

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, sinong mas adbans
Sinong Mas Adbans?
Samanta sa Japan,
matapos maghukay ng isang daang metrong lalim sa ilalim ng lupa ang kanilang mga dalubhasang siyentipiko.... nakakita sila ng bakas ng "copper wire" magmula pa noong isang libong taon. Sa ganitong tuklas ay humantong sila sa konklusyong ang kanilang mga ninuno ay gumagamit na ng "network" ng telepono isang libong taon na ang nakararaan.

Ngunit alam naman nating ang mga Amerikano ay palaging hindi nagpapahuli sa ganitong mga tuklas kaya sila ay naghukay din na umabot sa lalim na dalawang daang metro at pagkatapos ng kanilang paghuhukay ay natala sa kanilang mga pangunahing peryudeko ang ganito:

"Ang mga dalubhasang siyentipiko ng Estados Unidos ay nakatuklas ng bakas ng "optical fibers" na nagkaka-edad ng dalawang libong taon at nakarating sa konklusyong ang kanilang  mga ninuno ay gumagamit na ng makabagong teknolohiya na teleponong "digital" isang libong taon mas nauna sa mga Hapon.

Isang linggo ang nakaraan matapos na malathala ang mahalagang tuklas ng mga Amerikano... sa mga pangunahing peryudiko  sa Pilipinas ay nalathala naman ang ganito:

"Matapos maghukay ng lalim na limang daang metro ang mga Filipino, walang nakita anuman ang mga dalubhasang  siyentipikong Filipino kaya humantong sila sa konklusyong limang libong taon na ang nakakaraan... ang mga ninunong Filipino ay gumagamit na ng teknolohiyang "wireless" noon pa man. 

Oh ano, sino ngay-on ang mas adbans?

Ancient Technology

After digging to a depth of 100 meters last year, Japanese scientists found traces of copper wire dating back 1000 years, and came to the conclusion that their ancestors already had a telephone network one thousand years ago.
So, not to be outdone, in the weeks that followed, American scientists dug 200 meters and headlines in the US papers read:

" US scientists have found traces of 2000 year old optical fibers, and have concluded that their ancestors already had advanced high-tech digital telephone 1000 years earlier than the Japanese".

One week later, a Filipino newspaper reported the following:

"After digging as deep as 500 meters, Filipino scientists have found absolutely nothing. They have concluded that 5000 years ago, their ancestors were already using wireless technology".

No comments:

Post a Comment