24 October 2013

Nagkataon La'ang

Apat na kalalakihan ang nakaupo sa isang silid hintayan habang naghihintay na makapanganak ang kani-kanilang mga asawa sa delivery room ng ospital. Walang anu-ano'y dumating ang nurse sabay sabi sa unang ama, "Binabati kita, kambal ang anak mo!"
Buong pagmamalaking tumayo ang unang lalaki at di naiwasang mapasigaw sa katuwaan. Sabay sabing, "Pagkakataon nga  naman, kambal ang anak ko dahil siguro nagtatrabaho ako sa Petronas Twin Towers."
Isang nurse muli ang lumabas at binati ang ikalawang lalaki, "BInabati kita, triplets ang anak mo!"
Tuwang tuwa nagsisigaw ang ikalawang lalaki. "WOOOWWW!!! Pagkakataon nga naman... triplets kasi nagtatrabaho ako sa 3M Corporation!"
Isang nurse ang muling lumabas at binati ang ikatlong lalaki. "Binabati kita, nanganak ang asawa mo ng quadruplets!"
Tuwang tuwa din ang ikatlong lalaki sabay sabi, Siguro nagkataon din lamang ito dahil nagtatrabaho ako sa Four Seasons Hotel!"

Samantala napuna ng tatlong lalaki ang ikaapat na lalaki na nanginginig at di mapakali. Sabay-sabay na lumapit ang tatlong bagong ama sa ikaapat na lalaki at tinanong ito.

"Bakit mukhang sobra kang nag-aalala, anong problema??"
Sumagot ang ikaapat na lalaki. "Ala eh, nagtatrabaho ako sa Seven-Eleven eh, ay nakakatakot yaan... baka pito din ang anak ko...sino gang hindi manginginig pagka gay'an!"

No comments:

Post a Comment