14 October 2013

Mga Salitang Inuulit

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, mga salitang inuulit
Mga Salitang Inuulit
Tayong mga Batangueño ay sadyang hindi pahuhuli sa larangan ng panitikan. Marami ang nagsasabing tayong mga Batangueño ay mabulaklak ang dila kaya naman maraming mga dalagang taga ibang lugar ang kadalasa'y nabibighani kaagad sa ating mga kalalakihang Batangueño sapagkat tayo'y bukod sa mabuladas na'y napakatam-is pang magmahal... Yaan naman ang ating maipagmamalaki kahit saan tayo magpuntang lugar. 

Gaya ng aking nasabi na tayong mga Batangueño ay mayaman sa larangan ng panitikan... may mga salita tayong ating atin laang at hinding hindi natin maririnig kahit saang lugar na nagsasalita ng Tagalog. Maraning marani ay may mga salita tayo na sa ibang tao kapag narinig nila ay natatawa sila sapagkat para sa kanila ay nakakatawa ang dating. Tulad ng mga salitang inuulit na sa atin naman ay karaniwang laang sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa isa't isa.

No comments:

Post a Comment