21 October 2013

Before Filipino Know How to Vote

Batangueno Around The World
"Nguni ay ang lilo't masasamang loob,
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa balang sukab na may asal hayop
Mabangong insenso ang isinusuob!"
hango sa Florante at Laura.

Ano na nga baga ang nangyayari sa ating pamahalaan ngay-on... ang Pilipinas ay hinding hindi na nawala sa listahan ng mga bansang malala ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ang tanong ko ay garne.... ano nga baga ang tamang batayan ng mga mamamayan para iluklok ang mga pulitikong ito sa pamahalaan.

Naalaala ko noong ako'y bata pa, kumbaga ay wala pa akong pakialam sa mga nangyayari sa aking kapaligiran kung saan ang nasa aking utak puro laro at pagkain laang. Ang mga namumuno noon ay talaga namang kagalang galang....saka talagang may mga pinag-aralan at maraming alam sa batas. Masasabi kong kayang kayang iaharap ang ating bansa pagdating sa ibang mga nasyon... ay ngay-on ho baga'y anong nangyari? Bukod sa mga kagulang gulang na ang mga namumuno sa ating bansa ay talaga namang ubod pa ng kakakapal ng mukha. Ay kuruin baga naman ninyong pagpasasaan ang ating kaban ng bayan... bukod sa mga pagpapaganda laang at pagpapapogi ang alam ay talaga naman hong masyadong KAGULANG-GULANG!!!! Ah ah ay talaga naman hong nakakagalit eh... nakakasulak ng dugo!!! Ay bakin ga kanyo gay-on na laang ang aking nararamdaman.... sapagkat ang mga katulad nating nangingibang bansa makapagtrabaho laang ng maayos ay nagtitiis na mapalayo sa mga mahal sa buhay para lamang maitaguyod ng maayos ang ating mga pamilya at nagtitiis tayong makisama sa mga iabang lahing ito na hindi naman natin kaaano ano at kung minsan ay dudustain pa tayo. Samantalang silang mga nasa gobyerno ay nagpapasasa at lumalamon ng ating pinaghirapan. Ay kung ang mga ninanakaw nilang yaan ay napapapunta sa mga peoyektong pangkaunlaran at sa kalusugan ng bawat Pilipino.... ay palagay ko'y baka tayong mga nasa ibang bansa ay hindi na umalis sa ating lupang tinubuan... sapagkat makikita ang kaunlaran ng atingt bansa.

Ang isang ikinalulungkot ko ay ito... tayo rin mismong mga mamamayang Pilipino ang dapat na sisisihin sa mga nangyayaring ito.... sapagkat alam ng mga ganid na yan sa katungkulan kung paano paikutin ang tumbong nating mga mamamayan.. dahil sa kakulangan natin ng kaalaman. Sinasamantala nila ang ating kahinaan kaya naman kapag dumadating ang halalan, kapag napakitaan tayo ng kaunting pera at naambunan ng kaunting grasya ay akala natin ay iyo ay panghabangbuhay na.

Mga kababayan.... diyan po tayo nagkakamali at kailngang magising na tayo sapagkat tulad ng tinuran sa Florante at Laura...
"Nguni ay ang lilo't masasamang loob,
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa balang sukab na may asal hayop
Mabangong insenso ang isinusuob!"

Tayo din mismo ang nagluluklok sa mga buhong na iyan... sa mga walang kaluluwang iyan... ah ah.... ay magising na tayong lahat.... wag naman tayong maging MALAKING TANGA!!!! Ay gising na sa katutohanan na tayo'y pinaglalaruan laang ng mga kagulang gulang na iyan... ay tinamaan ng lintek na yaan ah....kakasulak ng dugo eh.

No comments:

Post a Comment