23 September 2013

Prayerful Batangueño

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Alam naman ng lahat kung gaano tayo kamadasalin. Ito ang bagay na hinding hindi natin makakalimutan na tagubilin at ipinamana sa ating mga magulang ng ating Mamay at Nanay na ipinamulat naman sa atin ng ating Inay at Tatay....Ang pagdadasal ng Santo Rosaryo tuwing ika anim ng gab-i... at pagsisimba tuwing araw ng Linggo at pagtawag sa Maykapal kahit anong oras natin gusto. Minsan pa nga ay nagsi-set tayi ng oras sa isang araw para lamang makadaupang palad ang sa atin ay lumikha.

Kaya naman kahit saang lupalop pa ng mundo tayo makarating, kahit pa iyan ay disyerto o kaya naman ay lugar na nagyeyelo o kahit pa alon sa dagat na mas mataas pa sa kampamento at simboryo ng simbahang Imaculada Conception .... hindi tayo basta basta natitinag... ay malakas ang kakampi eh.... si Amang Hari. Gay-an tayo eh....gay-on ga kayo? Ay kami'y gay-on!!!

No comments:

Post a Comment